CSC, nagpaalala sa mga tanggapan ng gobyerno na gawing simple ang isasagawang Christmas Party

Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng gobyerno na unahin muna ang trabaho bago ang Christmas Party.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, dapat hindi magarbo at gawing simple lamang ang selebrasyon.

Nakasaad aniya sa Civil Service Regulation, bawal uminom ng alak sa oras ng trabaho.


Bawal din aniya ang alak sa lahat ng Government Compound.

Sinabi rin ni Lizada na mayroon pa ring ‘skeletal force’ na naiiwan para maasikaso ang mga pumupunta sa mga tanggapan.

Wala naman aniyang patakaran kung hanggang anong oras lamang pwedeng isagawa ang Christmas Party.

Iginiit ng CSC na ang gastos sa party ay galing sa budget ng tanggapan ng gobyerno.

Facebook Comments