CSC, papanagutin ang ilang empleyado ng senadong nagnenegosyo habang nagtatrabaho

Papanagutin ng Civil Service Commission (CSC) ang ilang empleyado sa Senado na nagnenegosyo sa oras ng trabaho.

Makikipag-ugnayan na ang CSC sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para kastiguhin ang ilang empleyado sa Senado na nagbebenta ng damit sa oras ng kanilang trabaho.

Ayon kay CSC commissioner Aileen Lizada – may ipinadalang video sa kanila kung saan huli sa akto ang bayaran at pagbalot ng biniling damit.


Maliban dito, may bahagi pa sa opisina na may nakapaskil na ‘spa,’ ‘massage,’ at ‘manicure at pedicure.’

Giit ni Lizada – hindi lamang ang ehekutibo ang sumunod sa public office dahil saklaw nito ang lahat ng ahensya kasama ang lehislatura at hudikatura.

Facebook Comments