CSC, tiniyak na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng gobyerno sa flexible work arrangements

Pinawi ng Civil Service Commission (CSC) ang pangamba ng publiko na bumagal ang mga transaksyon sa gobyerno dahil sa flexible work arrangements.

Sa Laging Handa public press briefing, nilinaw ni CSC Commissioner Aileen Lizada na hindi automatic at depende pa rin sa heads of agencies kung ipatutupad ang flexible work arrangements.

Sakali naman aniyang ipatupad ito ng isang ahensya, mayroong general requirements na kailangang bumuo ng internal guidelines, mag-abiso at mag-comply sa memo ng CSC at Department of Labor and Employment (DOLE).


Kabilang aniya sa dapat ilatag ang mga trabahong pwedeng magawa sa labas ng opisina.

Sinabi pa ni Lizada, dapat ding mag-adopt ng performance standard and timeliness.

Ipinaliwanag nito na dapat output-based ang flexible work arrangement kaya kung hindi makapag-deliver ang empleyado ay pwedeng tanggihan ang mga susunod nitong request para magtrabaho sa labas ng tanggapan.

Inirekomenda rin ng CSC sa mga ahensya na gumawa ng monitorng scheme o mekanismo gaya ng submission ng arawan o lingguhang report.

Facebook Comments