CAUAYAN CITY – Naatasan ang City Joint Security Control Center (CJSCC) na magpatupad ng mahigpit na seguridad sa panahon ng eleksyon sa Lungsod ng Cauayan.
Isa sa kanilang pangunahing tungkulin ay ang pagkumpiska ng mga armas o nakamamatay na sandata upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan.
Batay sa impormasyong inilabas ng COMELEC Cauayan, ang CJSCC ay responsable rin sa pag-regulate ng transportasyon ng mga armas, paggamit ng security personnel, at pagsunod sa mga patakaran ng COMELEC Control.
Dagdag pa rito, ang CJSCC ay naatasan sa pagbuo ng mga plano sa seguridad, paghahanda para sa mga aktibidad na may kinalaman sa eleksyon, at pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa mga alituntunin.
Aktibo rin silang magmo-monitor upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga ito.
Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa Resolution No. 11067, na inilabas noong Setyembre 25, 2024.