CSR Youth Awards 2019, pormal nang inilunsad ng BCY Foundation

54

 

Pormal nang inilunsad ng Benito and Catalina Yap Foundation o BCYF at ng Deloitte ang isa sa kanilang proyekto na CSR Youth Awards para sa taong ito.

 

Ito ay taunang ginagawa ng BCYF mula noong 2015 para sa mga kabataan na may natatanging kontribusyon sa lipunan, lalo na sa mga bata na nangangailangan ng tulong.


 

Ayon kay Joana Armenta, Executive Director ng BCYF, bukas ang pagsusumite ng aplikasyon sa sino man na may edad 18  hanggang 39 anyos.

 

Sa ika-16 ng Agosto ang deadline ng submission of entry at ang awards night ay sa September 20, 2019.

 

Ang naturang CSR Youth Awards launch ay dinaluhan din ng iba’t-ibang Youth Organizations at mga naunang awardees.

Facebook Comments

From Advertisers