CSU Board of Regents, Sasampahan ng kaso ni Cagayan Gov. Mamba

Cauayan City, Isabela- Magsasampa ng kaukulang kaso sa Sandiganbayan si Cagayan Governor Manuel Mamba laban sa board of regents ng Cagayan State University (CSU).

Ito ay makaraang muling mahalal si President Urduja Tejada bilang pinuno ng nasabing paaralan.

Ayon sa pahayag ni Gov. Mamba, kanyang hayagang kinukwestyon ang umano’y pakikialam ng administrasyon ng paaralan sa nangyaring student council election sa CSU Andrews campus.


Kinokondena rin ng gobernador ang pagtatanggol umano ni CSU vice-president for administration and finance na si Fr. Ranhilio Aquino sa rehimen ni dating Ferdinand Marcos na inakusahang nagnakaw ng bilyung-bilyong piso at nakapagtala ng libu-libong human rights violations ng maipatupad ang Martial Law sa bansa.

Giit ng opisyal, hindi katanggap-tanggap ang ginagawang pagtatanggol sa mga corrupt officials na nakinabang sa maling gawain.

Binigyang-diin din ng gobernador na hindi niya tutularan ang kamalian ng mga nagdaang administrasyon na namuno sa lalawigan ng ilang dekada para lang mapaganda ang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments