CSWD Cauayan City, Patuloy pa rin sa Pagtanggap ng Ulat mula sa mga Nasiraan ng Bahay!

*Cauayan City, Isabela-* Patuloy parin ang pagtanggap ng City Social Welfare and Development ng Lungsod ng Cauayan sa mga reports ng mga Cauayeño na nasiraan ng bahay dahil sa hagupit ng bagyong Ompong.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Lolita Menor ng CSWD Cauayan City na batay sa pinakahuling datos ng CSWD kahapon ay nasa mahigit kumulang dalawang daan at siyamnapu ang bahagyang nasiraan ng mga bahay habang nasa walong kabahayan naman ang ganap na hinambalos ng bagyong Ompong.

Kanya ring inihayag na madadagdagan pa ang bilang ng mga magpapalista dahil patuloy pa rin umano ang pagdagsa ng mga nagpapalista.


Sa ngayon ay patuloy ring naglilibot ang kanilang tanggapan sa mga lugar na malubhang nasalanta ng bagyo upang masuri ang mga natatanggap na ulat mula sa mga mamamayan.

Paalala naman ni Ms. Menor sa mga magpapalista sa kanilang tanggapan na magdala lamang ng larawan ng nasirang bahay at brgy. Certificate mula sa kapitan bilang pagpapatunay na talagang nasiraan ng sariling bahay.

Facebook Comments