CTG SUPPORTER, KUSANG SUMUKO SA KAMAY NG MGA AWTORIDAD

Cauayan City – Kusang sumuko sa kamay ng mga awtoridad ang isang magsasaka na taga suporta ng komunistang grupo.

Ang CTG Supporter ay kinilala sa pangalang “Marky”, 25 anyos, magsasaka, at residente ng Brgy. Gagabutan West, Rizal, Cagayan.

Ayon sa ulat, taong 2019 ng marecruit si “Marky” ng isang indibidwal na kinilalang si “Ka Bunting Adviento”, kung saan ang pagsuporta nito sa grupo ay kapalit ng pangakong pagbibigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng organisasyon ng ANAK-PAWIS.


Ngunit nang mapagtanto nito na hindi tunay ang ipinangakong tulong at nalaman nito ang tunay na pakay ng grupo, pinili nitong kumalas sa kilusan at bumalik sa dati nitong buhay.

Ang pagbabalik loob ni Marky sa pamahalaan ay sa tulong ng programa ng gobyernong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Executive Order No. 70, na mayroong layuning ipalaganap ang kapayapaan sa pamamagitan ng mga programa katulad ng Lingkod Bayanihan.

Facebook Comments