Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang kabundukan ng Sierra Madre nitong Linggo na nagsilbing panangga laban sa malakas na bagyong Karding na humagupit sa malaking bahagi ng Luzon.
Bagama’t hindi nito napipigilan ang bagyo ay napahina ng Sierra Madre ang lakas ni Karding.
Ayon kay governor Cua na kung hindi dahil sa Sierra Madre ay siguradong mas malaki ang pinsala na iniwan ng bagyo.
Tinaguriang “backbone” ng Luzon ang 540-km haba na Siera Madre na nagsisimula sa Cagayan hanggang lalawigan ng Quezon na nagsisislbing pananggalanng laban sa mga bagyo.
Kaugnay nito, hinimok din ni Cua ang mga LGUs na magsagawa ng nationwide reforestation campaign.
Aniya, ito na ang tamang oras upang magtayo ng green wall ng milyun-milyong puno na makakatulong laban sa mapaminsalang hangin, pagbaha at pagguho ng lupa.
Dagdag pa niya, kung nagawa ng ibang bansa ay kaya rin ng Pilipinas na magsagawa ng malawakang tree-planting activity katulad ng Ethiopia na nakap agtanim ng kabuuang 350 milyong puno sa isang araw noong 2019.
Ayon pa sa gobernador, dapat mga indigenous trees lang ang itanim upang di maapektuhan ang biodiversity.
Tinatayang nasa 90 porsyento ng orihinal na mga gubat sa Pilipinas ang nawala simula noong panahon ng Kastila