Cuban fighter na si Yordenis Ugas, taas-kamay pa rin kay Senator Manny Pacquiao

Malaki pa rin ang naging respeto ng Cuban fighter na si Yordenis Ugas kay 8th Division World Champion at Senator Manny Pacquaio matapos ang naging pagkatalo ni Pacquiao sa kanilang ginanap na laban kahapon.

Sa tweet ni Ugas, pinasalamatan nito si Pacquiao dahil sa ibinigay na oportunidad na makasama ito sa ring.

Bagama’t naman siya ang nagwagi sa laban ay sinabi ni Ugas na malaki pa rin ang respeto niya kay Pacman na itinuturing na isa umano sa pinakamagaling na fighter sa kasaysayan.


Sa ngayon, umaasa si Ugas na marami ang nasiyahan sa ipinakita nilang laban kahapon sa Las Vegas, Nevada.

Facebook Comments