Culasi Police Station sa kakaibang look matapos ang “facelifting”

21

Kalibo, Aklan — Gawa sa sari-saring recycled materilas ang sari-sari ring desinyo ng land scaping ang makita ngayon sa Police Station ng Culasi, Antique para na ma-promote ang magandang relasyon sa komunidad at mga stakeholders.
Ang nasabing mga ginamit na recycled materials ay galing din ang iba sa mga donasyon para mapaganda ang “Bayanihan Hut”.
Ito ang nagsisilbeng receiving area ng Culasi Police Station sa mga pumupunta at humihingi ng tulong at iba pang concern.
Ayon kay Police Captain Bryan Alamo, hepe ng nasabing Police Station ito ay dahil na ini-encourage sila ni Police Regional Office 6 Director PBGEN. Rene Pamuspusan na i-improve ang kanilang police station.
Katuwang rin anya nila na gumawa ang mga violators sa executive order na ipinapatupad sa probinsya ng Antique kaugnay sa CoVid-19 pero ito ay kanila ring binigyan ng sahod.
Buwan ng Abril ng sinimulan ang pag paggawa ng nasabing police stations.

Facebook Comments