Culling sa mga alagang manok, pato at pugo target tapusin ngayong araw sa San Isidro, Nueva Ecija

Nueva Ecija – Target ng bayan ng San Isidro, Nueva Ecija na mapatay ang mga manok at iba pang uri ng ibon hanggang bukas (Aug. 23).

Sa katunayan, dagdag na 100 sundalo ang tumulong sa culling operations ng Bureau of Animal Industry sa San Isidro.

Sabi ni Maj. Gen. Angelito de Leon ng 7th Division ng Philippine Army, napaghandaan namang maigi ng mga sundalo ang pagsabak sa pagpatay ng mga manok.


Naki-usap naman si Dir. Roy Abaya ng Regional Office ng Dept. of Agriculture sa mga poultry farmer na kung pwede ay sila na ang mag-hiwalay ng mga alaga nila para mas mapabilis ang trabaho ng mga militar.

Paliwanag pa ni Abaya, alam naman nila na malaki ang malulugi sa poultry farm owners pero kailangan talaga nilang tapusin ang depopulation para isahan na lang ang bayad sa mga ito.

Sa pampanga aniya, matatanggap na anumang araw mula ngayon ang tseke na kabayaran sa mga pinatay na manok.

Nakahanda na rin aniyang magpautang ang isang kooperatiba ng tig-P25, 000 na pwedeng bayaran ng walang interes sa loob ng tatlong taon.

Samantala, sabi naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol, tukoy na sa Australia ang klase ng strain ng bird flu virus na tumama sa Pampanga at Nueva Ecija.

Kasabay nito, kinumpirma rin ng D-A na naglabas ng temporary ban ang South Korea, Japan at Singapore sa pag-angkat ng poultry products at sa mga alagang ibon.

Facebook Comments