Cult Leader na si Ruben Ecleo Jr., inilipat sa Bilibid

Nailipat na sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City si dating Dinagat Islands Congressman at Cult Leader na si Ruben Ecleo Jr.

Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete, itinurn-over si Ecleo sa NBP alas-2:00, Miyerkules ng hapon.

Aniya, natuloy ang paglipat sa Bilibid kay Ecleo dahil hindi sakop ng Sandiganbayan ang kautusan ng Supreme Court na nagsususpinde sa paglilipat ng mga preso para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Matatandaang 2006 nang hatulan ng Anti-Graft Court ng 31 taong pagkakakulong si Ecleo para sa three counts ng graft matapos pumasok sa maanomalyang construction deals noong alkalde pa siya ng San Jose, Surigao Del Norte sa pagitan ng 1991 hanggang 1994.

Taong 2012 naman ng nahatulan din ng Cebu City Regional Trial Court si Ecleo ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa kasong parricide matapos niyang patayin ang asawang si Alona Bacolod-Ecleo noong 2002.

Ilang taong nagtago sa batas si Ecleo, bago siya nahuli sa Pampanga noong July 30, 2020.

Facebook Comments