CULTURAL LOCKDOWN SA BAYAN NG SAGADA, EXTENDED NG 7-ARAW
Cauayan City, Isabela-Pinalawig pa ng pitong (7) araw ang ipinapatupad na Cultural Lockdown sa bayan ng Sagada, Mountain Province hanggang Pebrero 11.
Ito ay sa posibleng pagtaas ng bilang ng mga magpopositibong pasyente kung saan pito (7) rito ang mula sa Sagada matapos ang isinagawang Aggressive Community Testing sa mga bayan ng probinsya.
Batay sa inilabas na abiso ni Sagada Mayor James Pooten Jr., malawak ang isasagawang contact tracing effort upang ipatupad ang mas istriktong border controls.
Ilan naman sa mga guidelines ang mananatiling epektibo ay ang lahat ng cargo trucks ay kailangan dumaan sa Pegeo Control Point maliban sa essential consumer goods gayundin ang constructions aggregates subalit ang mga may operasyon sa Chico River ay makakapasok pa rin ngunit inaabisuhan na sumailalim sa self-isolation.
Kaugnay nito, suspendido naman ang Letters of Acceptance dahil sa entry restrictions sa bayan maliban sa mga madadaanan lang ang Sagada.
Inaasahan san ana matatapos ang lockdown sa Sagada sa darating na huwebes, Pebrero 4.
Sa ngayon, mayroong 25 aktibong kaso ang naitala ng bayan ng Sagada.