Curfew hours sa San Juan City, pinaikli na

33

Pinaikli na ang oras ng curfew sa lungsod sa San Juan.

Mula sa dating alas-10:00 ng gabi ay magsisimula na ang curfew hour ng alas dose ng hatinggabi hanggang alas singko ng madaling araw.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, ito ay para payagang makapag-operate ang ilang negosyo nang mas mahabang oras.

Pinaalalahanan naman ng alkalde ang publiko na sumunod pa rin sa health and safety protocols habang mahigpit pa ring ipapatupad ang mga ordinansa, resolusyon at mga direktaba laban sa COVID-19.

Samantala, kinokonsidera rin ng ilang alkade ang pagpapalawig sa age bracket ng mga pwedeng lumabas sa 18-65 taong gulang.

Facebook Comments