Umakyat na ngayon sa mahigit 175,000 indibidwal ang naitatala ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na lumabag sa curfew at community quarantine sa buong bansa.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang bilang ng violators ay naitala mula March 17 hanggang May 18, 2020 o sa loob ng 63 araw.
Pinakamaraming violators ang naitala sa Luzon, sinusundan ng Mindanao bago ang Visayas.
103,781 na mga naaresto ay pinauwi rin matapos bigyan ng warning, mahigit anim na libo ay pinagmulta habang mahigit 34, 000 ay tinuluyang arestuhin at ngayon ay nahaharap sa kaso.
Tiniyak naman ni Eleazar na nagpapatuloy ang pag-aresto ng JTF COVID Shield sa mga lalabag sa community quarantine protocols.
Facebook Comments