Curfew at ECQ violators, nadagdagan ng mahigit 1,500 kahapon

Sa kabila ng mas mahigpit na pagpapatupad Philippine National Police (PNP) ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dumarami pa rin ang mga lumalabag sa mga quarantine protocols.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kahapon nadagdagan ng 1,514 na mga curfew at ECQ violators nationwide.

Pinakarami pa rin sa mga violators ay naitatala sa Luzon na umaabot sa 96,053, sa Visayas namann 27,488 at sa Mindanao ay 28,558.


Dahil sa mga paulit-ulit na paglabag, nakakulong ngayon ang mahigit 1,800 violators matapos ang electronic inquest procedure at mahigit 9,000 violators ay for regular filing of case.

Mahigit 104,000 violators naman ay pinauwi rin matapos mahuli at mapagsabihan dahil sa paglabag.

Patuloy naman ang pakiusap ng PNP sa publiko na manatiling sumunod sa umiiral na mga quarantine protocols para mas maging ligtas sa COVID-19.

Facebook Comments