Bahagi ng hakbang para sa kaligtasan ng mga residente sa San Juan, La Union ang pagpapatupad ng Curfew sa lahat ng edad simula alas otso ng gabi ng November 9 dahil sa posibleng epekto ng super typhoon.
Nakasaad sa mga umiiral na ordinansa sa bayan na epektibo mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga ang curfew para sa mga menor de edad.
Paalala naman ng lokal na pamahalaan ang responsibilidad ng mga magulang at guardian na tiyakin ang kaligtasan ng mga menor de edad.
Kabilang din sa abiso ang pagpapatupad ng liquor ban dahilan ng paalala sa mga establisyimento na maagang magsarado ng pwesto.
Dagdag pa rito, pansamantalang isasara ang lahat ng katubigan at pagbabawalan ang anumang water-related activities sa bayan upang maiwasan ang aksidente.
Mananatiling epektibo ang curfew at pansamantalang kanselasyon sa aktibidad sa katubigan sa bayan hanggang sa tuluyan nang hindi nakakaapekto ang Bagyong Uwan sa lagay ng panahon.









