Curfew Hour sa Iligan wala pang balak alisin ng pamahalaang lokal sa lungsod

Iligan City – Wala pang balak ang pamahalaang lokal sa lungsod ngiligan na alisin ang ipinapatupad na curfew hour sa lungsod.
 

Ito’y  kahit  ideneklara na ni  Presidente  Rodrigo Duterte na Malayana ang marawi at  inutos na  rin kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sapagpapahinto na nang opensiba sa naturang lugar.
 

Ayon kay PNP City Director Police Senior Superintendent Leony RoyGa na mas mabuti na ring may ipinapatupad na curfew hour sa lungsod dahilhanggang ngayon ay patuloy pa silang nakakatanggap ng banta ng seguridad.
 


Isang  malaking  tulong rin sa pagpababa ng kremin sa iligan angpagpapatupad ng curfew hour kayat bumaba ang kremin sa lungsod gaya ng patayan,nakawan, holdapan at marami pang iba.
 

Kahit mismo  si Ga ay pabor na  huwag nang alisin pa ang curfew hoursa iligan na magsisimula alas onse nang gabi hanggang alas kwatro nang madalingaraw. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments