Curfew hour sa mga menor de edad, ipinaalala ng Manila LGU

Muling nagpapaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat ng residente ng lungsod na patuloy na umiiral ang curfew sa mga menor de edad.

Ang paalala ay ipinalabas matapos na mabatid na patuloy na maraming memor de edad ang nadadampot sa kalye alinsunod sa Manila City Ordinance No. 8692 o pagpapatupad ng curfew hour.

Sa datos ng Manila Police District (MPD), umaanot ng higit 400 na menor de edad ang dinampot dahil sa paglabag sa curfew sa nakalipas na dalawang linggo.


Ayon kay Mayor Honey Lacuna, may mga residente na tila yata nakalimot na may umiiral na curfew ordinance kung saan sakop ang mga kabataan na nare-rescue sa kalye.

Kaugnay nito, nanawagan ang alkalde sa mga magulang at guardians na istriktong obserbahan ang ordinansa kung saan hiniling din ni Lacuna sa mga opisyal ng barangay na patuloy na ipatupad ang curfew upang maiwasan na rin ang kaguluhan tulad ng riot.

Ang paglabag sa ordinansa ay may kaakibat na P5,000 multa, pagkakakulong o isang buwang pagkakakulong o pareho kung lalabag ng tatlong beses at ang mga magulang ang siyang mananagot dito.

Facebook Comments