Curfew hours mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, mananatili pa rin – Malacañang

676

Mananatili ang umiiral na curfew hours mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite sa kabila ng pagsailalim nito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula bukas, Abril 12 hanggang Abril 30.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala pang napagkakasunduan ang mga alkalde at gobernador ukol sa modified hours.


Pero tiniyak naman ng tagapagsalita na nagsasagawa na ng konsultasyon sa bagay na ito.

Matatandaang una nang nagpatupad ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng 6 pm hanggang 5 am na curfew sa Metro Manila at apat na lalawigan habang nakataas ang one-week Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments