Curfew hours, patuloy na ipapatupad sa Valenzuela sa ilalim ng GCQ

Mahigpit na ipinapaalala ng Valenzuela City Government ang patuloy na pagpapatupad ng curfew hours mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Ito ay alinsunod sa implementasyon ng stay at home ordinance ng lungsod kahit nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila.

Hindi naman saklaw ng curfew ang mga health workers, mga opisyal ng barangay at mga empleyadong otorisado ng punong barangay, at mga awtorisadong opisyal ng gobyerno para mga proyektong tumutugon sa COVID-19.


Hindi rin saklaw ng curfew ang mga nagtatrabaho sa gabi o mga papasok at pauwi galing sa trabaho gayundin ang mga nagbibigay ng pangunahing serbisyo, at may biyahe o patungong airport.

Lusot din sa curfew kung may matibay na dahilan na alinsundo sa patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Facebook Comments