Curfew hours sa Metro Manila, posibleng i-adjust – MMDA

Posibleng i-adjust na ang ipinatutupad na curfew sa Metro Manila.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 at ng reproduction rate sa mga nakalipas na linggo.

Kaugnay niyan, magpupulong pa aniya ang Metro Manila mayors sa magiging plano para sa nalalapit na undas.


Dagdag pa ni Abalos, nakikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensyang may kaugnayan sa ekonomiya para sa posibleng pagbubukas pa ng mga karagdagang establisyimento.

Facebook Comments