CURFEW HOURS SA MGA KABATAAN SA SAN ISIDRO, HINIGPITAN

CAUAYAN CITY- Pinaigting ang pagpapatupad ng curfew hours sa mga kabataan sa Brgy. San Isidro, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Felix Cristobal Jr., may ilang kabataan ang nasisita dahil lumalabag sa ordinansang ito kung saan may mga pagkakataon na nasasangkot ang mga ito sa gulo dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Aniya, mahigpit na ipinagbabawal sa mga menor de edad ang pag-inom, gayundin ang pagbili ng nakalalasing na inumin, subalit sadyang may matitigas ang ulo na dumarayo pa sa ibang barangay para makabili.


Dagdag pa niya, magpapatawag ng pagpupulong ang kanilang pamunuan kasama ang mga magulang ng mga kabataan upang talakayin ang ordinansang ito.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments