CURFEW HOURS SA SAN CARLOS CITY, MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD

Mahigpit na ipinatutupad ngayon sa San Carlos City ang curfew hours mula sa pagbabantay ng hanay ng pulisya.
Nagpaalala ang pulisya sa mga residente ukol sa umiiral na patakaran para sa seguridad at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan lalo na pagsapit ng dis oras ng gabi.
Nagsisimula ang curfew hours sa lungsod mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga.
Patuloy ang pagroronda ng awtoridad upang tiyakin na lahat ng nasasakupan ay sumusunod sa itinakdang curfew. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments