Curfew, ipapatupad na sa Maynila

Paiiralin na sa Maynila ang curfew mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno sa kanyang facebook live video.

Aniya, sa ilalim ng curfew hours, wala na dapat tao sa mga kalsada, commercial establishment, recreation centers, mall at iba pang bahagi sa labas ng kanilang tahanan.


Papayagan lang lumabas sa ganitong oras ang mga residente kapag may emergency o kinakailangang bumili ng basic needs at mga empleyado.

Kagabi naman ng aprubahan ng Muntinlupa City Government ang ordinansa para kaparehong curfew hours, epektibo bukas, March 16.

Facebook Comments