Isang araw bago isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) Alert Level 4 ang Metro Manila, naglabas ang Quezon City government ng gabay o magiging batayan ng mga residente upang makasunod sa guidelines
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, kabilang sa ipapatupad ang public safety hour mula alas-diyes ng gabi hanggang alas -kwatro ng madaling araw.
Papayagan din ang ehersisyo tulad ng biking at jogging, bakunado man o hindi basta hindi public safety hour.
Pwede ang alak maliban sa oras ng public safety hour.
Sa religious gathering at pag-dine-in, 10% ang papayagan sa indoor dine-in at bakunado ang nasa loob habang 30% naman sa outdoor dine-in.
Kapag may patay, dalawang araw lang ang lamay at ang mga kamag-anak lang ang papayagan habang dapat sa loob ng 12 oras ay mailibing na ang mga labi na namatay sa COVID-19.
Sa transportasyon, isang upuan ang pagitan kada pasahero at dapat nakasuot ng face mask at face shield.
Ang sari-sari store ay sarado sa public safety hours dahil ito ay nasa mataong lugar at maiwasan ang paglabas ng publiko.
Sa oras ng curfew, pwede ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR), essential workers at mga bilihan ng mahahalagang pangangailangan tulad ng botika, at palengke.
Samantala, ipapatupad ang granular lockdown sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.
Magtutulangan ang national government at local government sa pagbibigay ng ayuda habang isa-swab ang mga residente na apektado ng lockdown kasabay ng isasagawang contact tracing.