Curfew, makatutulong na mapababa ang reproduction rate – OCTA Research

Makatutulong ang pagpapatupad ng curfew na mapababa ang naitatalang daily number ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, inaasahang mapapababa ng curfew imposition ang reproduction number.

Iginiit ni David na dapat maipatupad ang lahat ng hakbang na layong mabawasan ang bilang ng mga tao lumalabas sa kanilang bahay.


Dapat ding ipatupad ng pamahalaan ang lockdown bago humantong sa punto na humihingi muli ng ‘timeout’ ang mga healthcare workers.

Nilinaw ng OCTA Group na hindi agad mararamdaman ang epekto ng dalawang linggong curfew sa Metro Manila sa kasalukuyang COVID-19 trend.

Facebook Comments