Curfew period sa Quezon City, pinaiksi na para bigyang daan ang traditional na ‘Simbang Gabi’

Simula December 16, mula alas-12:00 na ng hatinggabi hanggang alas-3:00 ng madaling araw ang curfew period sa lungsod ng Quezon para bigyang-daan ang tradisyonal na Simbang Gabi.

Ang pagpapaiksi sa curfew hours ay nakapaloob sa binagong guidelines na inisyu ni Quezon City Mayor Joy Belmonte alinsunod sa pinakahuling anunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Metro Manila Council (MMC).

Ayon kay Belmonte, bahagi na ng pagdiriwang ng kapaskuhan ang Simbang Gabi kaya kahit may pandemya, nais niyang panatihiling buhay ang diwa nito.


Pero paalala ng alkalde, kailangang hindi lalagpas sa 30% ang kapasidad ng simbahan sa pagdaraos ng Simbang Gabi.

Dapat din aniyang maipatupad ang basic health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng face masks at face shields.

Paliwanag ng alkalde, mahigpit na ring ipinagbabawal sa lungsod ang traditional caroling at hinimok ang mga pamilya na limitahan ang Christmas at New Year celebrations sa mga magkakasama lamang sa bahay.

Facebook Comments