CURFEW SA ISANG SITIO SA BRGY EMBARCADERO, MANGALDAN, POSIBLENG IPATUPAD DAHIL SA PATULOY NA PAMAMATO SA MGA KABAHAYAN

2026 na pero hindi pa rin natatapos ang suliranin mula sa patuloy na pamamato sa mga kabahayan ng mga residente sa Sitio 4, Brgy. Embarcadero, Mangaldan.

Sa panayam kay Brgy. Captain Teofilo Frianeza Jr., bagaman mayroon nang nasita sa naturang pamamato ay hindi pa rin ito natitigil hanggang sa kasalukuyan, kaya wala pang malinaw na suspek na responsable, lalo at kinakailangan din ng matibay na ebidensya.

Nagsimula ang serye ng pamamato sa ilang kabahayan noon pang Oktubre 2025 ngunit hanggang sa pagpasok ng bagong taon ay hindi pa rin ito nareresolba, dahilan ng pangamba ng mga residente sa kanilang kaligtasan.

Samantala, ayon sa barangay council, posibleng mapilitan silang maglunsad ng curfew sa lugar sakaling magpatuloy pa rin ang pamamato.

Naglaan na rin ng ₱5,000 hanggang ₱10,000 na pabuya ang Mangaldan Police Station para sa sino mang makapagbibigay ng litrato, footage, o nakakaalam sa pagkakakilanlan ng suspek.

Nakatakda ring bumisita ng alkalde sa lugar upang resolbahin ang insidente at panatagin ang mga residente sa Enero 20.

Ang mapapatunayang responsable sa pamamato ay maaring mapatawan ng patong-patong na kaso at maaring makulong ng anim hanggang labindalawang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments