CURFEW SA MGA MENOR DE EDAD SA BUGALLON, NAGSIMULA NANG IPATUPAD

Nagsimula na ngayong Oktubre ang striktong pagpapatupad ng Curfew sa mga menor de edad sa Bugallon simula 10PM- 4AM ayon sa nilagdaang ordinansa ng Sanggunian.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay MSWDO Officer-in-Charge Archie Castillo, nag-ugat ang polisiya sa dumaraming insidente ng kabataan naglalayas o di kaya ay nasa labas pa ng bahay dis oras ng gabi.

Layunin ng ordinansa na matutukan ang kaligtasan ng mga kabataan at matugunan ang mungkahi ng mga magulang upang madisiplina ang kanilang mga anak.

Ayon sa opisyal, wala umanong umalma sa naturang curfew dahil sa maluwag na pagtanggap sa benepisyong maidudulot nito sa komunidad.

Inatasan naman ang mga barangay officials sa pagpapatupad sa kanilang nasasakupan sa koordinasyon sa kapulisan at lokal na pamahalaan.

Pakiusap ng tanggapan ang maagap na pagtalima ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments