
Muling ipapatupad sa Mabini ang curfew hours sa mga menor de edad simula Nobyembre 3.
Base sa lokal na ordinansa, ipagbabawal ang paglabas mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga sa mga kabataang nasa edad 18-anyos pababa.
Dagdag dito, ipatatawag ang magulang ng menor de edad at may multang P500 sa unang paglabag; P1500 sa ikalawang paglabag; at P2500 naman ikatlong paglabag.
Mayroon ding kaukulang parusa para sa mga may ari ng establisyementong magpapapasok sa mga menor de edad sa loob ng curfew hours.
Batayan ng muling pagpapatupad ng naturang ordinansa sa bayan ang aprobadong ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan noon pang Disyembre 16, 2024.
Dahil dito, pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga magulang at kabataan na sumunod sa ordinansa upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.









