Curfew violators ngayong nananatili ang COVID-19 pandemic, umabot na sa mahigit 787,000

Nakapagtala na ang Joint Task Force COVID Shield ng kabuuang 787, 895 na mga curfew violators nationwide simula ang magsimula ang pandemya noong buwan ng Marso taong 2020.

Batay sa ulat ni Lt. Gen. Hawthorne Binag, PNP Directorate for Operations at JTF COVID Shield Commander ang mahigit 700,000 mga curfew violators ay naitala mula March 17, 2020 hanggang February 19, 2021.

Pinakamarami aniyang curfew violators na naitala sa Luzon na umaabot sa mahigit 443,000 sinusundan ng Mindanao na mayroong mahigit 188,000 violators at sa Visayas mayroong mahigit 155, 000 na mga lumabag sa curfew.


Sa bilang ng mga lumabag, mahigit 246,000 binigyan lang ng warning, mahigit 356,000 pinagmulta, mahigit 53,000 ay inquested at ikinulong, habang 132,000 violators ay released for regular filing.

Panawagan ni Binag sa publiko na manatiling sumunod sa mga umiiral na quarantine protocols at minimum health standars lalo’t nanatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments