Curfew violators sa mga lugar na nasa ECQ umabot na sa halos 3000

Halos 3000 na ang mga lumabag sa umiiral na uniform curfew hours sa mga lugar sa bansa na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Batay ito sa ulat ni Philippine National Police Spokesperson Brig. Gen. Idebrandi Usana.

Simula kahapon, March 29 nang magsimula ang panibagong ECQ sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal ay umabot na sa kabuuang 2807 ang mga violators ng uniform curfew hours.


Sa bilang na ito, 1,303 ay binigyan lang ng warning, 1097 pinagmulta, 252 ay released for regular filing at 154 ay pinag-community service.

84 na indibidwal naman ang naiulat na nagpakilalang Authorized Person Outside of Residence o APOR pero walang maipakitang proof.

Samantala, 1233 naman ay nahuling walang suot na face shield, 969 ay nahuling hindi nagsusuot ng face masks, 27 ay nagsagawa ng mass gathering at 332 ay lumabag sa social physical distancing.

Sa ngayon nanatiling naka-deploy sa mga lugar na nasa ECQ ang 1,264 na pulis para magbantay sa checkpoints at control points.

Facebook Comments