Curriculum hinggil sa kalagayan ng bansa sa West Philippine Sea, suportado ng ilang grupo

Pinuri ng Alyansa Bantay Demokrasiya at Kapayapaan (ABKD) ang Department of Education (DepEd) sa nakalatag nitong kurikulum sa mga mag-aaral na isama sa araling panlipunan ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng grupo, ito ay isang makabayang hakbang upang palakasin ang kamalayan pambansa at pagmamahal sa bayan.

Giit ni Goitia, maiging malaman ang totong kalagayan sa WPS dahil mahirap maipagtatanggol ang isang bagay na hindi mo alam.

Aniya, ang edukasyon ay isa ring linya ng depensa laban sa maling impormasyon at propaganda ng China.

Binigyang-diin ni Goitia na dapat suportahan ng gobyerno ang mga guro sa pamamagitan ng tamang kagamitan at pagsasanay upang maipasa sa kabataan ang tamang kaalaman sa kasaysayan at soberanya.

Dagdag pa niya, habang binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sarili natin karagatan, ang mga guro naman ang magbabantay, at magtuturo ng katotohanan.

Facebook Comments