Napipigilan na ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa ilang probinsiya sa bansa.
Sa virtual presser sa Department of Agriculture (DA), inanunsyo ni Undersecretary Ariel Cayanan na batay sa mga pinakahuling datos ay na-flatten na ang cruve ng banta ng ASF.
Malaki aniya ang naitulong ng ipinatupad na quarantine restrictions sa pagbaba ng mga kaso ng ASF sa 25 probinsiya sa bansa.
Gayunman, aminado ang DA na mararamdaman ang kakulangan ng pork supply hanggang sa huling bahagi 2020.
Upang matugunan ito lalo na sa panahon ng pandemya, hinimok ng ahensya ang mga Mindanao hog raisers na mag-suplay muna ng surplus na pork products sa Luzon at Visayas.
Facebook Comments