Cusi, isang ‘bogus’ president – Pimentel

Muling iginiit ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel Jr. na nananatiling expelled member ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ito ay kahit suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panunumpa niya bilang bagong presidente ng partido kapalit ni Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Pimentel, tanggal na sa partido si Cusi dahil sa disloyalty sa partido.


Bukod kay Cusi, kasama rin ang iba pang mga opisyal na hinalal bilang bagong party officials.

Iginiit ni Pimentel ang dalawang-araw na pagtitipon na inorganisa ni Cusi ay ilegal at hindi ito makakaapekto sa kasalukuyang istraktura ng partido.

Nararapat lamang na patawan ng penalty si Cusi na mastermind sa meeting.

Matapos siyang banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Pimentel na dapat mag-focus ang pangulo sa mga problema ng bansa.

Ipupursige nila ang PDP-Laban national assembly sa Setyembre para pumili ng magiging pambato ng partio sa nalalapit na eleksyon.

Nasa Commission on Elections (Comelec) na kung paano mareresolba ang sigalot sa loob ng partido.

Facebook Comments