Cusi, itinangging may nangyayaring power grab sa PDP-Laban

Walang nangyayaring power grab sa Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ang pinatutungkulan ni PDP-Laban Vice Chairperson at Energy Secretary Alfonso Cusi ang akusasyon ni Senator Koko Pimentel na siya ang nasa likod at utak ng agawan ng kapangyarihan sa partido.

Sinabi ni Cusi, nagkasundo ang mga PDP-Laban members na magkaroon lamang ng iisang partido, at ito ang partidong itinatag ng tatay ng Sen. Koko – si dating Senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr.


“There’s only one PDP-Laban and that is the PDP that is founded by the late Sen. Nene Pimentel,” sabi ni Cusi.

Ayon pa kay Cusi, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay kinikilala ang legasiya ng tatay ni Sen. Koko.

“We recognize the legacy of his father, the late Nene Pimentel and we want to preserve that. And we are not going to take it away from him…Nobody is taking over the party…the party will remain whether he is the one leading or another person is leading,” sabi ni Cusi.

“My only appeal to them (Pimentel and Pacquiao) is, join the national council and assembly meeting. Present your issues. That is the venue where we can resolve the and achieve unity,” he pointed out,” anang kalihim.

Dagdag pa ng kalihim, si Sen. Koko ang dating presidente ng partido at dapat inalagaan niya ito para protektahan ang legasiya ng kanyang ama.

Ang dahilan kung bakit nananatiling matatag ang partido ay dahil kay Pangulong Duterte.

Ang nakababatang Pimentel ay executive vice chairman ng partido at pinalitan siya ni Senator Manny Pacquiao bilang acting president ng PDP-Laban.

Facebook Comments