Cusi, nanawagan sa mga miyembro ng PDP-Laban na tapusin na ang mga hidwaan

Nanawagan si Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Vice Chairperson at Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga kapartido na itigil na ang mga hidwaan.

Matatandaang nagbabala si Senator Manny Pacquiao, na acting president ng pardito na papatawan niya ng parusa ang mga miyembrong dadalo sa kanilang meeting and assembly ngayong araw, July 17.

Iginiit ni Cusi na walang paksyon sa PDP-Laban.


Apela ni Cusi sa kanila na huwag idibisyon ang partido.

Layunin ng national council meeting na resolbahin ang mga isyu sa partido at isulong ang mga plano para sa 2022 elections.

Itinanggi ni Cusi na mayroong secret agenda ang pulong.

Kinikilala nila na si dating Senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr., ang nagtatag ng partido.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay inaasahang dadalo sa national assembly ng PDP-Laban

Facebook Comments