Customer Care Service Ng Deped Kaugnay Sa Isyu Ng Senior High School, Pormal Nang Binuksan

55

MANILA – Binuksan na ng Department of Education (DepEd) ang customer care service nito kaugnay sa isyu ng Senior High School.Ayon sa DepEd, kailangan lamang tumawag sa Senior High School o sa SHS help desk kung may katanungan hinggil sa usapin lalo na sa mga magulang na may agam-agam pa rin dito.Ang shs help desk hotline ay may numerong 667-11-88 at maaari itong matawagan mula Lunes hanggang Biyernes, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.Ang help desk para sa Senior High School concerns ay magtatagal hanggang June 30.

Facebook Comments