Customs broker Mark Taguba, sumuko sa NBI

Manila, Philippines – 6:15 ngayong gabi ng sumuko sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation o NBI ang Customs broker na si Mark Taguba.
Naganap ang pag-turn over kay Taguba sa NBI dito sa Senado kung saan siya ay nasa protective custody ng senate sergeant at arms simula pa noong nakaraang taon.

Si Taguba ay nasa protective custody ng Senado dahil itinuturing siyang mahalagang testigo sa pagdinig ukol sa smuggling ng droga at tara system sa BOC.

Ang arrest warrant kay Taguba ay iniisyu ng Makati Regional Trial Court Branch 46 dahil sa kasong may kaugnayan sa paglusot sa Bureau of Customs ng 6.4 billion pesos na shabu mula sa China.


Facebook Comments