Customs Commissioner Nicanor Faeldon, dapat mabigyan ng due process – P-Duterte

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Duterte na deserved ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na mabigyan ng due process.

Sa harap ito ng kontrobersyal na pagkakalusot ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa BOC.

Sa press conference sa anibersaryo ng BIR kagabi, sinabi ng pangulo na bibigyan niya ng pagkakataon si Faeldon na patunayan ang kanyang integridad sa trabaho.


Aniya, hihintayin muna niya ang final report ng mga nag-iimbestiga sa isyu saka siya magbibigay ng desisyon.

Facebook Comments