Customs Commissioner Nicanor Faeldon, hindi sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Hindi sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa gitna ito ng imbestigasyon ng Kamara sa nakalusot na P6.4 billion na halaga ng shabu sa BOC galing China.

Kagagaling lang ng pangulo sa Davao City nang ipatawag niya sa Malacañang si Faeldon.


Sabi ni Finance Sec. Sonny Domiguez, na kasama rin sa pulong – nananatili raw ang kumpiyansa ni Duterte kay Faeldon at pinayuhan itong mag-focus sa kanyang trabaho.

Bukod kina Faeldon at Dominguez, kinausap rin ng pangulo si BIR Commissioner Ceasar Dulay at ilang senador.

Facebook Comments