Customs Commissioner Nicanor Faeldon, nananatili sa Intensive Care Unit

Manila, Philippines – Inoobserbahan sa Intensive Care Unit sa Manila East Medical Center sa Taytay Rizal si Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos dumanas ng heart attack.

Sa gitna ng kinahaharap na kontrobersiya sa Bureau of Customs (BUCOR).

Matatandaang hindi nakadalo sa pagdinig ng kamara si Faeldon at ang idinahilan ay isang dental emergency.


Sa pagdinig ng House Ways and Means Committee, ay iniutos ni Committee Chairman Dakila Carlo Cua na puntahan ng medical services ng House of Representatives si Faeldon matapos kumpirmahin ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Mandy Anderson na naka-confine ito sa ospital.

Una nang pinanawagan ng mga mambabatas sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagbibitiw ni Faeldon matapos malusutan ng P6.4b na shabu shipment na dumaan pa sa green express lane.

Facebook Comments