Manila, Philippines – Patuloy ang ikalawang pagdinig ng senate committee on blue ribbon ukol sa 6.4 billion pesos na halaga ng shabu shipment galing China na nakalusot sa Bureau of Customs.
Hindi naman dumating sa senate hearing si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Pinadala nito sa kanyang kinatawan na si atty. Edsard Buco ng liham sa komite at mga medical documents tulad ngclinial asbtsta, medical cert at dental certificates.
Nakasaad sa mga dokument na dumaranas sya ng acute coronary syndrome, hypertension at nakonfine sa Manila East Medical.
Samantala, unang sumalang ang Chinese national na si Richard Tan o Richard Chen na syang may ari ng Hong Fei Logistics na may warehouse sa Aster St, Paso de Blas Valenzuela City.
Isa sa dalawang warehouse na pinagdalhan ng nabanggit na 604 kilos ng shabu.
20 years na daw sya dito sa Pilipinas pero si Senator Richard Gordon na syang chairman komite duda na hindi ito marunong magtalog at mag-english at sa hearing ay may intrepreter ito.
Sa pagdinig ay sinabi ni Tan na nalaman lang niya na may shabu ang kanyang shipment ng ito ay buksan ng mga tauhan ng Customs noong May 26.
Ayon kay Tan, May 24 ng may tumawag sa kanya na Mr. Wang Xi Dong, na head ng Customs Chinese inspection sa Xiamen sa pagitan ng alas sinko hanggang alas sais ng hapon noong May 25.
Sinabi nito na may suspicious item o kahina hinalang laman ang kanyang package tulad ng shabu.
Ayon kay Tan, ang alam niya na laman ng shipment ay insulator machine na cylinder shape at dumating ito sa warehouse niya noong May 24, alas syete y media ng umaga.
Si Mr. Wang daw ang nagsabi na makipag-ugnayan sya sa Customs at kontakin ang opisyal nito na si Rainier.
May 25, 11am ay nakatanggap naman sya ng tawag kay Col. Neil Estrella na syang Customs intelligence ang investigation service.