Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa pwesto si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ang pahayag ng Pangulo ay tugon niya sa report ng isang pahayagan na inalok na niya ang mataas na posisyon sa Customs kay Special Envoy to China William De Jesus Lima.
Ayon sa Pangulo, satisfied pa rin siya sa trabaho ni Guerrero sa kawanihan.
Pero iginiit ng pangulo na dapat ipatupad ni Guerrero ang kanyang utos na alisin ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon.
Si Guerrero ay ikatlong itinalaga ng Pangulo sa BOC kasunod kay dating Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon at kasalukuyang TESDA Director General Isidro Lapeña.
Facebook Comments