Manila, Philippines – Kumikilos na ng Bureau of Customs upang tukuyin kung sa paanong paraan naipasok sa bansa ang 72 kilo ng shabu na una nang nasabat ng mga awtoridad noong gabi ng Martes sa isang warehouse sa Las Piñas City na tinatayang nagkakahalaga ng 360 milyong piso.
Ito, ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, ay bilang pagtalima sa una na ring sinabi ni PNP Chief Gen Ronald Dela Rosa na karamihan sa mga drogang nasa bansa ngayon ay imported na, dahil nasira na nila ang karamihan sa shabu lab sa bansa.
Ayon kay Faeldon, inatasan na niya ang 17 pantalan na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay dito, at nakikipagugnayan na rin sila sa PNP at PDEA,
Tiniyak ng Customs na putuloy ang ginagawa nilang pagpapaigting sa security system ng mga pantalan, at sa katunayan aniya ay nakatakda silang magkaroon ng karagdagan pang x-ray machines at speedboats para sa karagdagang seguridad.