Customs operating center ng BOC, ibinida kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-121 anibersaryo

Ibinida ng pamunuan ng Bureau of Customs ang kanilang customs operating center kasabay ng selebrasyon ng 121st anniversary nito.

Dinaluhan ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang naturang pagtitipon kasama si Albay Rep. Joey Salceda.

Dito ay ipinakita ng BOC ang technological capabilities ng customs operation center at ng command and control hub ng intelligence and Enforcement Operations ng 17 collection district nito.


Sa mensahe ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, binigyang diin nito ang mga napagtagumpayan ng customs sa taong 2022.

Kabilang dito ang record breaking revenue collection, enhanced at intensified anti-smuggling campaign at ang modernization efforts ng BOC alinsunod na rin sa Philippine development plan for 2023 to 2028.

Kumpiyansa si Ruiz na mapagpapatuloy ng Customs ang mga achievements nito dahil na rin sa liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at sa gabay ni Finance Sec. Benjamin Diokno.

Facebook Comments