Customs operation, hiniling na isapribado

Manila, Philippines – Ipinasasapribado ng isang kongresista ang mga pangunahing tungkulin sa Bureau of Customs (BOC).

Mungkahi ito ni ACTS OFW PL Rep. John Bertiz kasunod ng paglusot ng daan daang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos.

Paliwanag ni Bertiz, ito ay bilang bahagi ng pag-overhaul sa sistema ng ahensiya matapos mapatunayan sa pagdinig ng kamara na tiwali ang sistema ng BOC.


Sa ideya ng kongresista, kailangang magkaroon ng overhaul sa Customs operation kasama ang human resources, administration, finance, utility services para makkuha ito ng mahuhusay at iginagalang sa international community na customs operator.

Pwede umano itong isakatuparan sa pamamagitan ng build-operate-transfer scheme.

Pero binigyang diin ni Bertiz na hindi pwedeng mag-hire ng mga lumang tauhan ng BOC kapag bago na ang sistema ng komisyon.

Aminado ang mambabatas na pwedeng abutin ng pito hanggang sampung taon bago makapagtatag ng bagong Bureau of Customs na bago ang lahat mula sa sistema hanggang sa tauhan.

Facebook Comments