CUT OFF | COMELEC Pasay, mahigpit na ipatutupad ang cut off para sa mga maghahain ng COC

Manila, Philippines – Hindi na tatanggap pa ng Certificate of Candidacy (COC) ang COMELEC sa Pasay ng lagpas sa alas 4:45 ng hapon.

Ayon kay Ria Capahi Manuel, election assistant ng COMELEC Pasay eksakto alas 4:45 ng hapon ang mga maghahain ng COC ay dapat nasa vicinity na ng COMELEC, bibigyan nila ang mga ito ng numero at ililista ang pangalan.

Pagkaraan nito sinabi ni Manuel na hindi na sila tatanggap pa ng mga huling COC.


Paliwanag ni Manuel kahit magmakaawa pa ang kandidato wala silang maggagawa dahil nabigyan naman ang mga ito ng sapat na panahon.

Ang paghahain ng COC ay magmula nuong April 14 hanggang ngayong araw April 20.

Sa datos ng COMELEC Pasay mayroon ng 230 Punong Barangay, 1712 Barangay Kagawad, 252 SK Chairman, 753 SK Kagawad na naghain ng COC mula April 14 hanggang kahapon April 19.

Samantala, pinaka marami aniyang naghain ng COC ay noong April 18 dahil narin sa pamahiin ng mga Chinese na swerte ang number 8.

Facebook Comments